Monday, December 19, 2011

May Bukas Pa


   Desyembre 17,2011. Ang pagdating niya!


   Pinukaw ng malakas na ulan ang natutulog kong mga mata sa ng simbahan. "Kay lakas naman nitong ulan" sabi ko sa aking katabi "tama ka". Kasabay ng malakas na hangin na para bang iniihip ako nito. Pag-uwi ng bahay ako'y  napakali ako sa mga taong nagmamabilis na pumunta sa tabing dagat, tanong ko sa aking kaibigan na napadaan sa aming bahay "asa mo?" sagot naman niyang "sa dagat, daghan nanga anod sa baha". Ang mga bibig ay naka bukas at natulala sa akng narinig.


  Binuksan at tumungo sa internet ang nandoon ko nasilayan ang kadumal-dumal na pagwasak ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro, Iligan City at sa iba pang lugar na nasalanta ng bagyo. Nakita ko ang mga inosente at musmos na mga batang nakahiga sa sahig, malamig at parang bato. Ang mga bahay na winasak , ang mga batang paslit na nanginginig, basang-basa at walang damit, kasabay sa pagsigaw kung nasaan na ang kanyang pamilya. Nandoon din ang mga imahe ng mga magagarang sasakyan na binalot ng putik, sapagkat walang pinipili, mahirap o mayaman binabahaan at ang lahat ay nagtutulungan at nagkakaisa. Diyos ko gabayan niyo po sila, sabi ko sa aking sarili.




   Gumising ako at tinititigan ang aking almusal, iniisip na papaano nalang ang mga batang gutom at sumasakit ang tiyan dahil wala silang makain na kahit ano. Tumutulo ang aking mga luha sa mga bagay-bagay na hindi maalis sa aking isip. Nagtungo ako sa altar at nagdasal na sanay bigyan sila ng liwanag para sa bagong bukas, para sa bagong panimula.




   MAY BUKAS PA. SISIKAT PA ANG ARAW !













http://www.facebook.com/media/set/?set=a.10150427989391606.359942.545901605&type=3

No comments:

Post a Comment